Ako'y pinalad, binigyan ng Maykapal
Kayong kaibigan na sa'ki'y nagmamahal
Laging nariyan, handang dumamay
Laging nasa tabi, handang umagapay
Kayo ang sa'ki'y nagpamulat ng mata
Kagandahan ng mundo ay makita
Kayo ang sa aki'y nagpasaya
Sa buhay ko'y nagbigay sigla
'Yan kayo na sa aki'y naging gabay
Sa mga problema sa aki'y nagpatibay
Sana walang bumitaw sa'ting paglalakbay
Sama-samang aabutin, bukas na naghihintay
Sa ating mga gintong sandali
Sa problema, sa saya kahit pighati,
tawanan, asaran, maging hikbi
Lahat sama-sama, walang hindi sumali
Kayo lang ang laging kasama
Kapag nagkayayaan, lahat uubra
Patak-patak kung kailangan pa
Basta lahat masaya, walang kokontra
Magkalayo-layo man balang araw
Walang gagawin kundi ang magbalik-tanaw
Na sana maibalik at magawa muli
Lahat ng oras nating mga gintong sandali.
0 comments:
Post a Comment