ang sarap talaga sa feeling ung malaman mo na may silbi ka!
Sarap ng feeling ung may nagtitiwala sa'yo...
ung tipong sasabihan ka na "masaya ako dahil kaibigan kita"
Ngayon alam ko na...
hindi man ako mahalaga sa iba... at least sa mga tunay kong kaibigan... alam ko na mahal na mahal nila ako... talagang sa panahon ng problema makikita ang mga tuany na kasama at kasangga. hehe... how nice!
Sunday, September 27, 2009
HAPPY! SHALALALALA
Posted by Darmo at 6:54 AM 0 comments
Friday, September 25, 2009
Thursday, September 24, 2009
KAIBIGAN
ang saya ng araw ko...
alam mo ba kung bakit?
dahil nakasama ko ung mga bata na tinuturuan namin sa west...
muli kong naranasan maging bata...
nakasama ko sila sa pagbili ng mga pet nilang daga...
hahaha...
how nice! sarap sa feeling...
naappreciate nila mga ginawa ko para sa kanila...
buti pa sila...
sna hindi to ang huling pagkakataon na nakasama ko sila...
sana maulit pa to...
dahil para ko na silang kapatid...
para ko na silang mga anak...
hayyyy! muli na namang pinakita ng DIYOS ang role ko dito sa lupa! hehehe
thanks God!
Posted by Darmo at 6:57 PM 0 comments
Wednesday, September 23, 2009
Ganun ba talaga?
Ganun ba talaga?
pag nakagalit mo ung kaibigan mo?
Mahirap mag-approach...
Mahirap pumancin
Mahirap lahat...
Lalo pa kung itinuring mo xang kapatid...
Pagkatapos, makikita mo na mas masaya sya sa ibA...
Sakit...
Sakit...
Sakit...
Ang hirap...
Ganito ako ngayon...
Pakiramdam ko wala akong kwenta...
Ni wala akong mgawa para ibalik ung dati...
Ni wala ako magawa para maayos ang lahat...
Ang sakit...
Sobra....
Sobra-sobra...
Sana maibalik pa ung dati...
sana maibalik ang nakaraan...
Dahil kung hindi na...
Sayang...
Sayang...
Sayang...
nahihirapan na ako...
Sana hindi xa napipilitan lang na pansinin kami dahil sa ibang reason...
Sana pinapansin kami...
Dahil kaibigan niya kami...
Dahil mahalaga kami sa kanya...
Dahil kapatid niya na rin kami...
Dahil iisa kami...
Dahil iisang grupo kami...
Dahil mas mahalaga ang pagkakaibibgan sa kahit ano pang bagay na pwedeng ipakita sa amin...
dahil siya at kami ay mababarkada...
Sana...
Sana...
Sana...
Dahil ang sakit sakit na sa loob...
Andiyan siya pero parang wala rin...
Andiyan siya pero iba ang nasa isip...
sana wag naman...
dahil masakit...
dahil msakit...
masakit...
nakakalungkot...
Sana bumalik ka na...
sana bumalik na yong dati mong pakisama sa amin...
kung may nagawa man kaming pagkakamali...
PATAWAD...
PATAWAD...
PATAWAD...
dahil nakakaselos...
nagseselos kami sa mga ngiting gumuguhit sa mga labi niyo...
kahit alam naming hindi dapat...
kahit alam naming wala kaming karapatan...
kahit kapwa kaibigan natin ang mga kasama mo...
kahit alam namin na walang masama sa mga ginagawa niyo...
pero sana mas masaya kung kasama kami sa bawat plano niyo...
dahil kami... ako... uamasang sana mahalaga rin kami...
Dahil ngayon para akong isang nilalang na WALANG KWENTA...
WALANG SILBI...
WALA... WALA...
sana wag isiping pagdadrama lang ito... sana wag ipilosopo...
sana
sana...
dahil totoo ito...
dahil kung maaari...
sana hindi totoo ang lahat ng nangyayaring ito...
sana palabas lang ang lahat ng ito...
Posted by Darmo at 1:40 AM 0 comments
Monday, September 21, 2009
Grade VI at SJWCS; munting anghel
Sa isang sulok nitong mapaglarong mundo
Iba't ibang individwal anmg pinagtagpo
May iba-iba at unique na pagkatao
Pinagsama at naging iisang grupo
Sa unang tingin iisiping mga seryoso
sa unang tingin akala mo'y mga basagulero
Ngunit maya-maya paglipas ng ilang minuto
Makikita mo ang mga cute na santo
Sa grupong ito, hindi iisiping magkakasundo
Ngunit heto sila, lahat nagsasalo
Nagsasalo sa buhay ng laro at biro
Magkasundo sa kabila ng iba-ibang pagkatao.
Tumingin ka sa kanilang nangungusap na mata
Masisilayan kung sino talaga sila
May makulet, may tahimik at palatawa
May seryoso, magulo ngunit may pakisama
May maliit at may matangkad na sadya
May maingay at may naghahatid saya
May bata at may medyo bata pa
Patunay na ang pagkakaibiga'y may iba-ibang mukha
Sadyang ang mundo'y puno ng hiwaga
Ngunit kakambal nito'y gabundok na saya
Isang mundong may mahikang nilalaro
Nagpapasarap at kumukumpleto sa pagkatao.
Isang butil ng pagkakataon kami ay nabigyan
Makilala sila at makakuwentuhan
Nararapat lamang na sila'y pasalamatan
Hangang sa muling pagkikita, mga munting kaibigan.
ginawa ko to pra sa mga respondents namin sa research 145 na nagbigay ng oras nila para sa amin. natuwa ako sa kanila. sarap nilang kasama.
Posted by Darmo at 3:10 AM 0 comments
Tuesday, September 15, 2009
Ang Kulet!
"Galit ka bay kay an0?"
Kelan ba ako nagalit? Hehe
Ako? Nagalit? Kanino?
Hindi ako galit. Sadya lang nahihiya na ako sa kanya dahil sa pangungulit ko sa kanya tungkol sa mga walang kakwenta-kwentang bagay. Maxado ko na siyang nabubwisit. Kung hindi man or kung bakit hindi ko na siya kinukulit ay hindi dahil sa galit ako bagkus ay nililimitahan lang ang mga paepal effect ko sa kanya! hehe.
Posted by Darmo at 12:25 AM 0 comments
Malungkot?
"Bakit naman ang lungkot mo ngayon?"
Pano ba ang maging masaya?
Pano ba ang ngumiti na masasatisfy sila?
Pano ba magpakita ng kasiglahan sa harap nila?
Ganito naman talaga ako diba?
Ano bang pagkakaiba ng Darmo kahapon sa ngayon?
Sadya nga kayang iba lang ang awra ko ngayon kumpara kahapon?
Sana huwag naman mangyari na masaya ako ngunit sa tingin nila hindi.
Herher!
Posted by Darmo at 12:16 AM 0 comments
Monday, September 14, 2009
Pasensiya na!
Lagi nilang pinupuri ans isang Darmo Tiomario... lagi kong naririnig ang mga katagang "ang bait mo naman", "kaw ang pinakamabait na taong nakilala ko" pero ang hindi nila alam... ang Darmong nakilala nila at ang darmong nakikita nila ngayon ay nag-aalaga ng isang kumunopy sa loob niya na unti unting pumapatay ngayon sa kabutihang nasaksihan ng mga tao sa klanya. Ngunit and nakapagtataka... para sa dalawang tao lang ang galit ko kumpara sa napakaraming kaibigan ko na sana'y dahilan upang masikil ang galit na ito.
Kaya sa dalawang taong dahilan ng kumunoy sa loob ko ngayon, pasensya na lang. Hindi ko alam kung bakit namuo ito. Sana mapatawa niyo ako.
Posted by Darmo at 5:34 PM 0 comments
Narrow-minded!
"Napakanarrow-minded mo naman"
Sadya nga bang ang isang tulad ko'y wala ng karapatang maging narrow-minded? Ganun ba talaga? Kapag nakilala ka nila sa ganung pag-uugali, ganun na ang tingin sayo. Pero bakit nga ba kailangan kong magpakanarrow-minded sa isang simpleng pagkakataon lang na sana ay hindi na pinoproblema pa. Sana tulad nila ako na consistent sa mga gawi. Ako kasi pabago-bago ang isip Ewan ko ba! Sadya yatang ganito na ako. Hehe.
Posted by Darmo at 12:11 AM 0 comments
Tuesday, September 8, 2009
SIGA
Nang magsabog ng mga katangian
Lahat inangkin ng limang nilalang
Biniyayaa't pinagpala ng sukdulan
Mga modelo, siga at huwaran
Isang siga sa limang pinagpala
Itong si Al John na kakaiba
Isip at talas ng memorya
Sa kalaban ay kanyang panagga
Sunod itong isang matalinghaga
Ngiti't kindat kanyang panama
Sipag at talino ang ibubuga
Itong si Darmo, babaerong nilikha
Sa publiko, siya ay sikat
Sa hinhin, di paaawat
Sa ngiting malakas ang banat
Itong si Hannah, pamatay sa lahat
Kung hanap mo'y kasangga, siya'y tawagin
Di nang-iiwan, kasama sa lakbayin
Mapasalaban o suliranin
Sasamahan ka ni Jennica Martin
Kung sa lovelife ika'y nanlulumo
Sa kanya ikay humingi ng payo
Pakatandaan, isya ditoy eksperto
Itong si Jonna, isa sa limang sugo
Sila ang siga sa mundong mahiwaga
Limang tao, wari'y mandirigma
Power Rangers sa kanya'y di uubra
Maging Ghost Fighters di sila kaya
Katangian nila'y sa kabutihan ilalaan
Magsilbing instrumento sa katotohanan
Limang siga, isang barkadahan
Tatalo't mangunguna sa lahat ng samahan
Posted by Darmo at 7:07 AM 0 comments
Wednesday, September 2, 2009
Ang BEED3-2
'Yan kami matapos ang matinding pagod at paghahanda sa aming kauna-unahang dula sa ilalim ng pamumuno ni Ma'am Judith Angeles.
Posted by Darmo at 5:36 AM 0 comments
My Best Buddy Forever
Posted by Darmo at 4:40 AM 0 comments
Im Sorry
How many times have you walked out the door
How many times have you told me before
How many times have you made me cry once more
and all you have to say was I'm Sorry
How many times have you left with no trails
how many times have you lied to my face
how many times have you done me disgrace
and all you have to say was I'm Sorry
Chorus:
And now you're coming back to me
And all you have to say is I'm Sorry
The same old story can't you see
And all you have to say is I'm Sorry
I guess the greatest Irony
It's time to give you my apology
We're done and now it's history
and all i have to say is I'm Sorry
How many times have I planned
How many times have I gathered my wits
How many times have I wanted to quit
Bridge:
I want to let you know
I want to let you go
how many times i've gotten tired with your lies
I'd rather have you out of my life
Posted by Darmo at 4:33 AM 0 comments
Mahal Pa Rin Kita
Nang maghiwalay ang ating mga bangka
Sa harap mo nanatili akong walang nadarama
Di umiyak, sakit ay di ipinakita
Kahit sa loob nito'y winasak mong pag-asa
Matagal na panahon na rin
Hapdi ng puso'y kinikimkim
Di kayang ika'y ikay sumbatan
Tanungin kung bakit namaalam
Mabait ako at maiintindihan ko
'Yan ba'ng nararapat sa tulad ko?
hayaang landas nati'y 'di magtagpo
Hayaang bangka'y magkalayo
Manhid ako, 'yan ang sa iba
Manhid ako, 'yan ang alam nila
Ngunit pagdating sa'yo ako ay iba
Ramdam ko, kahit konti mong pagdurusa
'Di ko alam kung akoy magsisisi
Sa pagpapalaya sa'yo ako'y sawi
'Di naghabol, 'di nagbakasakali
Ikalawang pagkakataon, kung maaari
Ikubli ko man sa iba ang nadarama
Lokohin ang sarili ko'y 'di kaya
Magpanggap na masaya sa harap ng iba
Kahit sigaw ng puso ko'y mahal pa rin kita.
Posted by Darmo at 1:15 AM 0 comments
Tuesday, September 1, 2009
GINTONG SANDALI
Posted by Darmo at 8:47 PM 0 comments