THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Thursday, January 20, 2011

Hindi ko namalayan kung kailan nagsimula

Hindi ko alintana ito'y namuo na pala

Akala ko'y isa lamang bahagi ng gunita

Ngunit ngayo'y heto't umuusbong ng kusa.



Ano ba ang nararapat kong gawin?

pilitin ko may hinid ito kayang sikilin

Wala akong ibang alam kundi ito'y wag pigilin

Hayaang manahan kahit hindi alam ang kahaharapin



Sa'yong mga simpleng ngiti ito'y kumikirot

Kirot na dulot ng tuwa't hindi ng lungkot

Sa'yong mga tingin ito'y naglilikot

Tumatalon sa tuwa, nawawala ang bugnot



Ewan ko ba ngunit tila ikaw na nga

Kahit anong gawin ay wari'y nagagayuma

Tila isang droga na personal kong likha

Isang inumin na sa'ki'y nagpapaligaya



Sabihin man nilang ang mahalin ka ba'y isang pagkakamali
Isang kasalanang hindi maikuukubli?
ako'y walang pakialam, ito lamang ang nais gawin?
Ang mahalin ka kahit walang anong inaangkin.


hahayaan ko na lamang itong umusbong,
gugustuhing mamunga ta yumabong
pagkat masapiling mo lang ay sapat na
anu mang sabihin nila, sayo'y wala ng hihigit pa...

0 comments: