Hindi ko namalayan kung kailan nagsimula
Hindi ko alintana ito'y namuo na pala
Akala ko'y isa lamang bahagi ng gunita
Ngunit ngayo'y heto't umuusbong ng kusa.
Ano ba ang nararapat kong gawin?
pilitin ko may hinid ito kayang sikilin
Wala akong ibang alam kundi ito'y wag pigilin
Hayaang manahan kahit hindi alam ang kahaharapin
Sa'yong mga simpleng ngiti ito'y kumikirot
Kirot na dulot ng tuwa't hindi ng lungkot
Sa'yong mga tingin ito'y naglilikot
Tumatalon sa tuwa, nawawala ang bugnot
Ewan ko ba ngunit tila ikaw na nga
Kahit anong gawin ay wari'y nagagayuma
Tila isang droga na personal kong likha
Isang inumin na sa'ki'y nagpapaligaya
Ngunit ang mahalin ka ba'y isang pagkakamali?
Isang kasalanang hindi maikuukubli?
Pano kung ito lamang ang nais gawin?
Ang mahalin ka kahit walang anong inaangkin.
Nararapat pa bang ito'y hayaang umusbong?
Hayaang mamunga at yumabong
Kahit ang kapalit nito'y ang pagluha,
Ang umasa at maghintay sa wala.
Thursday, January 20, 2011
Posted by Darmo at 1:33 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment