Ang buhay ay nakahihilo, nakapapagod, at minsan ay nakaiinis lalo na kung hindi mo gusto ang mga guro mo, ngunit sa kabilang banda ay natatabunan ang mga ito ng katotohanang nariyan ang mga kaibigan mo upang punuin ng saya, ngiti, halakhak, at kulay ang minsay boring mong buahy sa loob ng apat na sulok ng silid ng karunungan.
Kaysarap alalahanin kung paano kami nabuo bilang isang barkada at tandang tanda ko pa kung paanong ang bawat isa sa amin ay binabago ng pagsasamahan namin. Magkakaiba iba ang mga ugali naming. Parang isang uri ng pagkain – may iba-ibang sahog na nagpapasarap sa bawat higop at subo ng taong kakain dito. Ngunit kahit may iba-iba mang sahog, tulad ng pagkain na pinag-iisa sa iisang pangalan, pinag-iisa rin kami ng iisang salita – pagkakaibigan. Ano mang mangyari, hanggat pinanghahawakan naming ang salitang ito, mananatili kaming iisa – magkakapatid kumbaga.
Ako si Darmo. Kakaiba ang pangaln ko ano? Pero okay lang dahil naniniwala ako na kailanman ang magandang mukha at magandang pangalan ay hindi maaaring magsama. Sabi nila gwapo ako, matalino, mabait at higit sa lahat, pasimple kung magyabang. Pangarap kong maging cumlaude para sa mga magulang ko. Siya si Rowell. Isa sa apat na itinuturing kong bestfriend. Anak siya ng kapitan pero hindi maluho. Hindi niya gusto mag-eduk, nahila lang siya nang wala siyang kasama na magdevcom. Siya naman si Hannah, ang crush ng bayan. Mahinhin siya at palangiti sa bawat makakasalubong. Ok n asana pero medyo may kaliitan siya. Siya ang tipo ng tao na kahit umiiyak, may poise pa din ng pagiging dalagang pilipina. Si Jennica, isang masayahin pero may pagka-moody minsan. Palaban din siya. Madalas naming siyang binibiro dahil siya ang pinakamataba sa grupo pero okay lang sa kanya dahil kaibigan niya kami. Actually, di naman talaga siya mataba, naisama lang siya sa grupo ng mga medyo may kapayatan. Para sa amin, sexy siya. Siya naman si Jonna, isang mabait na kaibigan na hindi mabitawan ang cellphone saanman magpunta. Strict ang parents niya kaya hindi naming siya nakakasama pag gumagala ng gabi. Siya si Cielo, isa ring crush ng bayan. Sexy. Maganda. Unang tingin mo pa lang bubungad na sa iyo ang personalidad niyang matapang. Pero hindi alam ng iba, bumibigay din siya. Siya si kuya Jonie. Binibiro naming siya bilang pinakamatanda sa grupo. Lahat kami maingay pag nagkasama-sama maliban sa kanya. Responsible. Minas an hindi na naming siya tinatawag na kuya. Basta na lang namin siyang tinatawag sa pangalan niya. Siya naman si Lorie. Anak ng principal. Maraming naiinis sa kanya dahil sa pagkaprangka niya, pagkamataray, at sobrang pagkatapang. Sabi ng iba, masama daw ang ugali niya pero sa tingin ko, may mas masama pa ang ugali kaysa sa kanya. Kahit ganyan siya, natutuwaako at nasa grupo naming siya. Siya naman si Kate. Hindi namin siya ka-kolehiyo pero nagging kaibigan namin siya dahil bestfriend siya ni Cielo. May kaya ang pamilya niya pero mabait pa rin siya. Minsan nga lang, tinatapatan niya ang katapangan ni Cielo.
Iba-ibang pagkatao ang meron kami pero kung titingnan, para nang magkakadugtong ang mga bituka namin. Pero paano nga ba kami nabuo? Nagsimula ang lahat sa…
Nagsimula ang lahat sa anim – ako, si Rowell, Hannah, Jennica, Jonna, at Sam. Si Sam ang kaibigan naming na napakaconscious sa katawan. Mas bata siya sa akin pero pumayag siya na tawagin kong kuya. Kontento na kami noon. Hanggang sa dumating ang isang araw na gumimbal sa amin. Second year, second semester – hinding hindi ko yan malilimutan. Nagging tampulan namin ng biro sa Rowell habang naglalakad kami papuntang Alumni Hall para mag’lunch. Medyo pikon na siya noon. Sinundan pa ng biniro ko siyang agawin ang bag sa kamay niya. Pero dahil mahigpit ang pagkakahawak niya, hindi ko ito tuluyang naagaw. Nabitawan niya ito sa kalsada. “Bakit ganyan kayo?”, yan ang mga katagang tanging naisumbat niya sa amin. Pinulot niya ang bag sabay talikod sa amin. Nag-walk-out ang lolo mo. Sinubukan ko siyang pigilan pero nanindigan siya. Akala namin biro niya kang din yun. Akala ko nag-inarte lang. kumain kaming aapat lang. “hayaan mo na, di rin tayo matitiis nun”, pampalubag loob ng mga kasama ko. Pero lumipas ang ilang oras, araw, linggo, at buwan ay hindi na kami pinapansin ni Rowell. Hindi na rin siya sumasama sa amin. Ang sama—sama ng loob ko nonn. Pakiramdam ko kasalanan ko. Pakiwari ko, napakasama kong kaibigan at bestfriend. Hindi ko alam na magkakaganun. Ilang gabi ko rin yong iniisip. Takot na takot talaga ako nun. Hindi ko alam kung ngingitian ko ba siya kapag nagkasalubong kami at kapag nagsalubng ang mga tingin namin. Natatakot akong mapahiya. Nagbago ang lahat dahil sa isang tuksuhan. Galit talaga siya sa amin. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Buti na lang nariyan ang technology. Ginamit ko ang cellphone para magkaroon ng komunikasyon sa kanya. Ngunit masasakit na mga salita pa rin ang nakuha ko sa kanya. Hanggang sa hinayaan ko na lang ang panahon ang gumamot sa lamat na namumuo sa pagkakaibigan namin. Tulad ng isang bayan na makakarecover din matapos ang isang malakas na unos. Pero sana, an recovery ay tulad ng sa Japan, na pagkatapos ng World War II ay nakabangon agad.
Lumipas ang ilang buwan. Summer na. pero kami sa College of Education ay patuloy pa ring nagpapakadalubhasa. Oo, may summer class kami. Ang inaakala kong kasabay ng pagpalit ng panahon na muling pagsama sa amin ni Rowell ay tila naging malamig na pangrap. Siguro nga we need sapace. Siguro kagustuhan na rin iyon ng Diyos dahil may gusto siyang ituro sa amin. Hanggang sa dumating at dumagdag sa barkadahan si Al John at Lorie. Si Rowell, tuluyan nang sumama sa ibang grupo.
Naging maganda ang pagsasamahan naming anim. Si Al John, kahit siya ang bunso sa grupo, pumayag siyang tawagin kong Kuya. Isang bagay na hindi ko nahiling kay Rowell o kahit sa isa ko pang bestfriend na si Herwin. Si Herwin ang taong para ko nang kapatid. Kung saan siya, dun ako at kung saan ako, dun siya. Lagi kaming magkasam sa dorm o mapaboarding house. Pero kahit ganun, ilang akong magpakita ng other side ko – which is my side of being isip bata – kay Herwin. Kay kuya Al John ko nagawa ang lahat ng hindi ko nagawa kay Herwin – ang makipagbiruan at makipagkulitan. At lahat naman ng hindi ko nagawa kay Al John ay nagawa ko kay Herwin. Kapag kami ni Herwin ang magkasama, seryoyo ang atmosphere. Siguro kung papipiliin ako, si Herwin pa rin ang mas matimbang. Si Herwin na laging andyan at si Al John na laging nakaalalay. That is when I start treating Al John as best buddy.
Nagkaroon kami ng magandang samahan. Magkakasama sa b-day ni Jennica. Akala ko grupo na kaming matatawag – yun bang walang iwanan at walang limutan. Pero muli kaming sinubok ng pagkakataon. Nagkaroon kami ng alitan. Jennica vs. Darmo, Al John at Lorie. Nag-ugat ang lahat sa kwentuhang ilokano. Sa grupo kasi, si Jennica at Hannah ang hindi marunong mag-ilokano. Pinaniwala ni Lorie si Jennica na siya ang pinag-uusapan namin, gayong ibang bagay naman. Siyempre nakakainsulto pa rin sa side ni Jennica yon lalo na at nagtatawanan pa kami habang nagkukwentuhan. Nagalit siya. Siyempre, kahit wala kaming kasalanan, humingi pa rin kami ng pasemsiya. Ngunit hindi mapatawad ni Jennica si Lorie. Humnatong pa sa punto na kung saan nagkatagpo – tagpo kami sa canteen at muling kinulit ni Lorie si Jennica. Naasar si Jennica at “lumayas kayo kung hnid ipupukol ko sa iyo ang bote na ito!!”, ans naibulalas ni Jennica nang dumampi ang kamay ni Lorie sa braso niya. Nagulat ako noon. Actually pati si kuya at Lorie ay nagulat din. Alam kong minsan ay may topak din si Jen pero di ko inisip na kaya niyang gawin iyon. Mababaw lang ang dahilan pero katakot –takot ang kinalabasan. Dun ko napagtanto na kahit mababaw ang dahilan kung ang taong itinuturing mong kaibigan at kapatid ang gagawa sa iyo, masakit ang idudulot nito. Si Rowell, dahil sa tuksuhan, si Jennica naman sa biruan.
Ang pangyayaring iyon ang naging dahilan upang mapalayo si Lorie sa amin. Hinid na kasi pwede pang magsama ang dalawa. Lima na lang uilt kami. Pero mabait and Diyos dahil muli siyang nagbigay ng kapa;it. Si Raquel, Glaizel, Ronald, at Joan. Naigng siyam kami. Naging maganda ang samahan namin. Si Jennica, laging dumadaan sa boarding house namin. Mgakakasama kasi kami nila Raquel, Galizel, Ronald, at Herwin sa bhouse. Ang nakatutuwa pa, lagi kaming nahuhuli sa klase dahil pila-pila ang pagligo namin sa banyo. At sa aming lahat, ako ang pinakamatagal gumayak. Minsan ako ang nagiging dahilan upang malate kami sa klase.
Ang bhouse namin ang naging bahay naming magkakaibigan dahil doon din natutulog ang laht kapag may program sa gabi o kaya kapag gagawa ng project. Sabay rin kaming nag’oobserve sa mga school para sa subject naming FLDS Study.
Tumagal ang samahan namin. Nagbirthday ako kasama ang mga kaibigan ko. Pero si Coach/Herwin ay hindi pumunta. Siya pa naman ang inaasahan kong pupunta. Pero si Rowell pati mga kaibigan niya na naging kaibigan ko na rin ay sumama.